Temperature

medyo mainit na naman ngayon
mga 35-40 degrees celsius pero it feels like 45 daw
iba ang sukat ng weather and temp dito di tulad sa pinas
sa pinas kasi ang mga weather natin eh
mainit, sobrang init at panahon para suotin ang pangpormang jacket
madalas nga eh paglabas mo sa banyo pagktapos maligo eh pinagpapawisan ka na
o kaya eh tumambay ka sa may shoemart sa may shoe section tapos umupo ka lang duon
maya maya para ka ng makakaamoy ng bagong lutong saba

dito medyo complex ang weather forecasting
may weather, may temp, may wind chill at may humidity
kulang na lang eh iyung mga naririnig mo sa radio
na traffic forecast
“trefik in or-tee-gus is bumber-to-bumber ekross whole yohw vahr gas”


Wowow

if you’ve had your cable for a really long time now then you well know what this channel mean. sa channel 49 ata iyun or 56. pagpatak ng alas dose hanggang 3am eh may chamba ka ng bhold (ganyan magpronounce ang mga uncle ko).
alang oras eh, minsan sakto 12 minsan mga 1am na. siguro depende sa shift ng operator.
pati iyung mga movies eh pinapalabas rin nila, yun nga lang eh uncut di tulad ng sa hbo na andaming putol. pagkaminamalas ka naman eh dubbed in japanese iyung makikita mo.
nuong medyo namomonitor na sila eh nagiging blurry pagdating duon sa mga revealing scenes hanggang sa tuluyan na nga silang di na nagpapakita ng ganuong “genre” of movies. huli ko atang nakita sa wowow eh iyung pinay na nagwowork sa japan na nagiikot ikot.

ngayong nandito na, syempre wala ng wowow. pero just an hour ago eh laking gulat ko sa bumulaga sakin sa tv.

as a background, channel 1 ang default channel ng cable operator. lalabas duon eh tv guide tuwing binubuksan mo. naalimpungatan ako at umakyat, nag ice cream, nagbukas ng tv.

“click”
isang couple na nagbabanatan ang bumulaga sakin. as in kakaiba.
parang iyung mga pinapanuod mo nuong bata ka pagwala ang magulang tapos magpapanic ka
pagkapaparating na iytung erpats mo tapos maiiwanan mo pa palang nakapasok sa betamax
iyung tape tapos mahuhuli ka ng erpat mo (keith, kilala mo to?)

sa sobrang gulat ko eh naghanap hanap pa ko ng ibang channels.
hayun, mga 3 channels pa na mas malaswa pa duon.
may isang channel pa eh ang pangalan eh “bedtime stories”
di pala pambata kundi pano gumawa ng bata


Midnight taxi

since most of the raket work end up way late in the evening (or morning)
and the buses end their route at about 11 or 12 minamabuti na rin ng tita ko na ipagtaxi na lang ako after i fix the pc’s.

even though i’m here di pa rin nawawala sa akin ang mga nacquire kong instincts sa manila pagsumasakay ng taxi. ayun ay ang di pagtulog habang bumabyahe. you see, sa manila kasi eh uso ang mga taxi na kung tawagin eh batingting. kung di r&e family, mge or xavier ang taxi na sinasakyan mo eh mabuting tignan ang metro kasi kung nalingap ka eh mas mabilis pa sa nagpapasayang rabbit ang metro mo. turo na rin yan sakin ng mga nasakyan kong taxi sa pinas. at syempre wag daw sasakyan si wallis kasi sila ang pinakatalamak sa ganyang kalokohan.

going back sa mga taxi dito eh madalas nakikipagkwentuhan na lang ako sa mga driver para naman maaliw at syempre para magpalipas ng antok.

masaya naman so far ang mga nadadatnan naming usapan and for some reasons eh puro’s mga tiga india ang inaabutan kong drivers kaya medyo marami na rin akong natutunan sa mga cultures nila.

natatawa ako tuwing natatanong ako ng:

driver1: so how are you my friend?
madalas ko rin kasing marinig yan sa manila kaso sa tagalog nga lang
mgaindiansdyan: kamusta kaibigan?

syempre may mga naambag ambag din ako paminsan minsan sa kwentuhan pero madalas eh nagiimbento na lang ako ng mga kwento para lang masaya usapan namin

badong: oh, there’s a lot of indian businessman in the philippines and they are really good with money. you see they have this very lucrative trade that you know … trades money.
driver: much like the stocks?
badong: this is different. more lucrative, you see a lot of the people don’t get approved by banks when they ask for loans and so they go to indians. indians then lend them money and allow these borrowers to pay them in installment. (5-6)
driver: wow,they have a lot of clients them
badong: yeah they do
driver: even here they have that
badong: really?
driver: yeah, they even go to us sometimes
badong: do they give special discounts to indians like you?
driver: oh no, i’m pakistani
badong:


midnight tech

hirap kumita ng pera
minsan naiisip ko na ngang
pasukin nalang ang magulong mundo ng showbiz
kaso umaatras na lang ako kasi di pa ako
handang tanggapin ang mga chismis na di totoo
kaya para may pang gastos at merong mapaglibangan
eh rumaraket na lang ako sa gabi
opppss. sa mga maduduming isip, hindi ako tubero sa gabi
at lalong hindi ako tambay sa circle dahil walang circle dito
di rin ako call center (maski may mga outbound calls dito kaming
natatanggap na galing pinas).
nagtetech support ako sa aking tita.
dito kasi eh usually up to 5 lang ang work.
tapos those who do auxiliary jobs for different
establishments will have to do it at night.
kaya sa gabi eh anduon ang mga cleaners,
maintenance people and tech support.
di naman talaga racket, in fact di naman ako nababayaran
paminsan minsan lang eh merong binibigay. pero ayus na rin.
chance to hone up my skills.
at matagal tagal na rin naman akong di nakakapagtech
kaya paminsan minsan eh may mga mabubuting mga kaibigan
namang nakakatulong tulad ni cirfu.


banyoquestion

kung walang tissue walang sabon
at tapos ka ng magnumber 2
hand wash lang ang ginamit mo
magbabanlaw ka pa ba?

naisip lang