Titig

speaking of titig, madalas akong masabihang masama makatingin.
the main reason for that is i have astigmatism. hindi iyung aastig astig (paglasing ko lang ginagawa to) pero iyun bang sira sa mata. inborn.

it takes a couple of seconds before my eyes can see clearly, especially on a passing object. kaya pagkamay makakasalubong eh di ko na nahahalata na nakatitig na pala ako maski sinusubukan ko lang namang magfocus.

naalala ko iyung isang experience nuong medyo bata bata pa akos a wendys mcu
paakyat ako nuon ng hagdanan at napatingin sa kanan midway para hanapin iyung mga kasama ko.

so tingin pa rin habang nakalapag na sa itaas at papunta na sa mesa ng mga kasama.
bigla na lamang may lumapit na mama at kasama ang kanyang syuuutta

mamangsingkit: fareh, i saw you going up and you were staring at the legs of my gf
badong: huh?
mamangsingkit: nagmamaang maangan ka pa eh huling huli kang nangboboso
badong: kanino? sayo?
mamangsingkit: aba pu!*(@#&^$na mo pala eh, pilosopo ka pa, gusto mo duon tayo sa labas?!!!
badong: bakit anduon ba syota mo?!
mamangsingkit: aba gago ka pala talaga ano

mabuti na lang eh puro mga babae kasama ko nuon at medyo may edad na at naawat kami. kundi nagulpi ako, mukhang nagygym eh

mgakasama: binosohan mo ba iyung kasama nuon?
badong: hindi ah!, di ko sya type, parang nakita kona iyung kasama nya eh, 200 ata iyun


Cultural angas

medyo mayroon talagang pagkakaiba on how people interact with each other dito
and dyan sa pinas. i’ve talked about how people greet each other when they happen to pass each other up.

a lot of the times, and this happens to younger people, mayroong certain angas front pagkamakakasalubong mo sila. maybe because it’s a defensive stance on minority perception (or other people call this as reverse discrimination). Ayun bang sa sobrang cautios sa discrimination eh they don’t realize that they are somehow isolating themselves and the unwillingness to reach out somehow discriminate other people from reaching out to them. the effect normally is that nakataas ang mga nuo at nagpapakitang astig sila. sa pinas, tawag dito eh mga kulang sa gulping mga kabataan. dito, semi-acceptable. siguro na rin dahil magagaling silang magingglis.

and another caveat when intersecting with other people eh is not to stare at them. no benchmark, pero i guess around 3 seconds is already staring. ilang beses na kong muntik mapahamak dito. like the other day nuong bumili ng frosters sa mac’s eh napatinging sa makakasalubong ko (kasi kalbo), hayun, pagkalabas kalbo nga at ang laking puti. pucha kung naka fire na t-shirt iyun eh baka napasigaw pa ko ng bambam bigeleow.


Canadian Taxi Talk

kanina eh naiwanan ako ng bus by two minutes
paksyet na puyo yan di ko talaga alam kung pano isuklay ng tama buhok ko eh
papunta kasi ng turon-ow for an interview

napilitan tuloy magtaxi
pagsakay ng taxi, tanong nagtanong sa driver

englishdriver: where to lad?
badong: downtown brampton
englishdriver: ah, you taking the bus at downtown
badong: no, i got left awhile ago by two minutes

silence
after two minutes

englishdriver: you on your way to toronto?
badong: oh no, to union station only (stop sa toronto) and then i’ll transfer ang go to etobicoke (para ala ng usapan)
englishdriver: work?
badong: no, meeting

englishdriver: well i can driver you to etobicoke for 65.00
badong: (hindot humirit) oh no, because i have to meet someone first in downtown before we go to etobicoke
englishdriver: i can wait for him after i drop you off so that it’s faster for you
badong: (wow persistent) err.. we’re having lunch first … in ah … downtown.
englishdriver: that’s fine, i’ma eat my sandwich here too, be done once you’re ready
yari
napahinto ko din sya eventually, closed answers were not as closed as i thought it was


usapang taxi

sa pakikipagusap at pakikitanong ko nalaman na meron palang tatlong klase ng taxi base na rin sa mga kwento ng mga taxi driver

1. walang oras
2. diritso
3. hapset

walang oras
eh iyung sila ang may ari ng sasakyan at kay misis lang sila bumaboundery (paminsan nagboboundery din sila sa may videokehan)

diritso – heto iyung mga 24 hours magmaneho, 5-5 usually ang byahe nito habang di pa lumalabas ang private na mga sasakyan

hapset naman eh iyung 12 hours lang ang byahe or less than 12 hours kung coding.

subukan nyong magtanong kung asa manila kayo at nasakay kayo sa taxi kung gusto nyong may naririnig sa taxi bukod sa am station.

kayo: (manong/pare/may nhong), hapset ba kayo o diritso?

tyak yon mula sa sinakyan nyo hanggang sa paguwi eh nagkukwento si manong. kung mahinto sya sa pagsasalita at nabitin kayo, sabihin nyo lang

kayo: naholdap na ba kayo o ano, o kaya eh ano ang pinakagrabe nyo ng nasakyan?

pagdi kayo kita eh pwede na kayong umidlip idlip sa hele ng kwento ng driver

kung gusto nyo namang maaliw, eh ishashare ko sa inyo ang isa kong social experiment, pero eh panglalake lang.

DISCLAIMER: KUNG BABAE AT GENDER SENSITIVE KAYO OR KUNG GENDER SENSITIVE LANG KAYO OR BABAEN SENSITIVE LANG KAYO EH MEDYO CRASS ANG MGA SUSUNOD NA LINYA PRESS ALT+F4 TO RECTIFY, BINALAAN NA KAYO

natutunan ko itong social experiment ko nuong laseng na laseng na ko at kailangan kong magising kundi eh lalagpas ako sa bahay namin.

sabihin nyo lang sa nagmamaneho:

kayo:
pare, may chicks ka ba dyan na pwede nating makuha?

ang parate, as in parating isasagot ng driver sa inyo

driver: ahh meron, kaso nasa kay misis ang cell ko
or
driver: naku, asa isang sim ko eh
or
driver: meron dati asa japan na

or any permutation of that type

kung gusto nyong maiba naman, tanong nyo naman kung san makakahanap ng lalake, tapos paki-post na lang ang sinagot ng taxi


sagutan

nuong asa manila pa ako eh madalas akong makipagkwentuhan kung kanikanino
taxi driver, tindero ng pisbol, nagkakareton ng pares sa makati ave, magtataho
kung sino sino, pwera lang ata sa mga naging boss ko
marami kang matutunan sa mga taong ito at masayang makipagkwentuhan
sa mga kaibigan ko naman or kung maski sino kung di ko feel makipagusap
eh sumasagot na lang ako ng closed answer sa unang tanong, iyun bang pang ala ng follow up. usually sa atin minsan eh

tambay1: kumain ka na?
tambay2: oo eh, ikaw?
tambay1: ah, anong kinain mo
tambay2: manok

kung asa rockwell naman kayo
conio1: ju ate?
conio2: yah noh, i ate at the caf, you?
conio1: not yet eh, let’s eat the shiken, you want?

hanggang sa non-stop na ang usapan
pagdi ko feel makipagusap

tambay1: kumain ka na?
badong: oo.
tambay1: aahh
badong:

eh di tapos ang usapan


Life Cycles

simula ng nasanay na dito eh nabago na ang cycle ko sa pangaraw araw

dati:
gising
unat
kamot eherm
tulog ulit
gising ulit
tubig, yosi
no 2
ligo

ngayon, dahil mahirap na at MAHAL ang bisyo at mayroon ng version 2.0 dito ngayon eh kailangan magadjust. naamoy kasi ng bata pati ang amoy ng yosi based sa studies dito. na apparently eh very focused ang canada sa ibat ibang studies on child development, tobacco and types of things (dami kasi nilang panahon kasi peaceful dito eh at wala na ring magawa, lol)

so ngayon eh
gising
kamot ulo (exposed kami sa basement)
check bata
pakain bata
yosi sa labas (kung wala ng tao)
no 2
ligo
check bata

at kung hindi bagong gising eh kailangang maligo everytime magyosi. so, medyo slowly eh nawawala na ang yosi (literally)

kailangan ko ng magwork para hindi ko na nababasa iyung studies, lol


kotse

may nakita akong itim na kotse kanina
kala ko walang nagmamaneho
buti na lang may ngumiti


hmm

sagwa ko pala magsulat pagkabagong gising
ok lang yun basta iclick nyo google ad, lol


kurkongcombat mission #1 – Yosi in 20 min

my aunt went out of the house with my uncle
eh sayang naman kasi makakapagyosi ako ng di ako masisita
(bukod sa mahal ang yosi, mahirap pang magyosi)

tinapos ko muna mga hugasan (-10 minutes)
tapos dahan dahang bumaba sa basement para kunin ang yosi
dahan dahan para di magising ang bata at lalo na
na hindi mahalata ng nanay na magyoyosi ako

labas sa door to the basement
labas sa garahe tapos sarado ng kaunti
ang garage door without locking it

lakad papalayo ng bahay at papunta sa hastey market

a couple of meters to the quest…
*subquest 1 !!!
badong:pak, gamit ko ang tsinelas na pangloob, yari na naman ako pagnahuli
(+10 quest difficulty)
badong: ayus lang, sa garahe ako papasok, di nila mahahalata at papagpagin ko na lang ng husto

lakad ulit, mamaya ko na poproblemahin
halfway through the quest
*subquest 2!!
badong: syet ala nga palang sinturon itong cargo shorts ko dahil
asa bahay lang ako the whole time. eh nahuhulog hulog na ngayon
dahil natatagtag
badong: ayus pa, hawakan ko na lang sa tagiliran. pinasok ko na lang
ang kaliwang kamay para maipit

nakarating na rin sa hasty market, nakabili ng yosi at tapos na angkalahati ng quest

on the way back

may nakasalubong na jamaican-canadian (ah yeah politically correct)
badong: pucha ang sama ng tingin sakin batiin ko na rin
pagkasalubong
badong: hi there
JamaCan: hmm
paksyet parang ala sa ayos ah
ay syet
nakakargo ko, nakasimangot, nakasando, nakasukbit pa ang kamay
sa bulsa, paker baka akalain nya eh may baril ako kaya maangas
(put ya hens up foo!)

nakarating sa bahay, sa garahe dumaan, biglang puntang basement
ligo.

quest done!!!!

wala syang punchline, ala lang akong masulat


dandy taxi

we were talking with the taxi driver
on our way from checkup. he’s a european,
mid 60’s and a tall guy. pagdi ka nakatingin
kala mo eh si james bond and driver mo.

mabitin bitin nga lang ako sa paghihintay
dahil sa typecast ko na malakas magmura mga european
“that eejit bloke”

ang saya ng kwentuhan namin lalo na
magkausap ang may edad na europeang canadian na di nagmumura
at isang matigas na dilang slang na tiga caloocan

driver: fancy here ey!
badong: yes, hey

nabanggit ko din ang paglipat namin sa bagong bahay

driver
: yah ye lickat things here’n sudn’ly there’s a lot of people
badong: yah, aksheely
driver: too many indians i say … you look around’n all ye
see’re these guys nit. too congested. it’s with all these migrants and
all them dark colored migrants.
badong: uhum. yeah, brown like us hey
driver: umm … ahhh … no, no. they’re darker. way darker i say. only them indians with them dark.

paker