Done Working

may nakainan kami kaninang diner
thematic sya actually at nakakaaliw kasi it’s
a classic 50’s diner
lahat ng decor, kanta, pati may ari eh 50’s
medyo patapos na kami sa pagkain ng biglang lumapit ang waitress

waitressnakamukhanimegryan: hi, how’d you find the food?
badong: the food is great! delicious!
waitressnakamukhanimegryan: are you done working here?
badong: oh yes, though it’s only part time
waitressnakamukhanimegryan: napangiti
badong: (kras pa ata ako nito o baka may tinga lang ako)
waitressnakamukhanimegryan: great, so are you done working with your food so i can clean up the table?
badong: aahhhh … yes please. (sabay ngiti)


sagutan

nuong asa manila pa ako eh madalas akong makipagkwentuhan kung kanikanino
taxi driver, tindero ng pisbol, nagkakareton ng pares sa makati ave, magtataho
kung sino sino, pwera lang ata sa mga naging boss ko
marami kang matutunan sa mga taong ito at masayang makipagkwentuhan
sa mga kaibigan ko naman or kung maski sino kung di ko feel makipagusap
eh sumasagot na lang ako ng closed answer sa unang tanong, iyun bang pang ala ng follow up. usually sa atin minsan eh

tambay1: kumain ka na?
tambay2: oo eh, ikaw?
tambay1: ah, anong kinain mo
tambay2: manok

kung asa rockwell naman kayo
conio1: ju ate?
conio2: yah noh, i ate at the caf, you?
conio1: not yet eh, let’s eat the shiken, you want?

hanggang sa non-stop na ang usapan
pagdi ko feel makipagusap

tambay1: kumain ka na?
badong: oo.
tambay1: aahh
badong:

eh di tapos ang usapan