pagwala kang magawa
Posted: February 28, 2008 Filed under: Uncategorized Leave a commentsubukan mong hawakan ang siko mo habang nakaunat ang braso
sarap noh?
stealth banyo king
Posted: February 28, 2008 Filed under: Uncategorized Leave a commentheto maganda nyan
sa dati kong kumpanya sa pacific star
may inabutan akong nagkakamot ng tuhod sa trono
nahiya ata nuong bigla akong pumasok
kasi parang andaming nangyayari sa cubicle nya
napansin ko na lang na paangat iyung paa
siguro ayaw makilala iyung sapatos
yun lang
nagring iyung phone
di ako gumalaw para di maconcious
nakaapat na ring ata bago nya sinagot
banyo king
Posted: February 28, 2008 Filed under: Banyo 2 Commentspagnasa banyo ka ng mga lalake, madaling malaman
kung ano ginagawa ng mga asa cubicle depende
kung san nakaturo ang sapatos
pagkanakaturo ang sapatos sa pinto
at tiklop tiklop ang pantalon
alam mo nang hindi lang sya nagkakamot ng tuhod
maganda nuon pagkamay narinig kang umiri tapos
wala kang makitang paa
tawag duon eh sigurista
kasi umaasinta eh
wohooo!!!
Posted: February 28, 2008 Filed under: Uncategorized Leave a commentmalinis na ulit ang blog
game game game
eh di pano
Posted: February 8, 2008 Filed under: Uncategorized Leave a commentheto na ulit, nagbabalik na muli
naging busy nuong nagkatrabaho eh
tamang tama, iyung huli kong post eh bago ko
magkaroon ng trabaho
iyung una ko namang post eh bago ko
mawalan ng trabaho
hehehe
endo na susunod na linggo
iyung apat na linggo eh nuong august eh
pinahaba hanggang katapusan ng jan
tapos dinagdagan pa ng 2 pang linggo
Ang entrance exam, bow
Posted: August 28, 2007 Filed under: inteview, Work 3 Commentsheto heto
pramis
heto totoong totoo to, hindi lang sya forward
nuong unang panahon, nuong asa content provider pa kami
sa mga telco eh aggresive na naghahanap kami ng writer
syempre part of the filtering process was to give
them an exam to test their communication skills
heto iyung mga sagot nya
seryoso sya habang sinasagutan yan ah, at parang nagbubutil na iyung pawis
niscan ni meng iyung sagot at nisend sakin
sayang ala na iyung part a & b
First day byahe
Posted: August 28, 2007 Filed under: Bus, commute, Travel, Work Leave a commentfirst day ko sa work ngayon (finally)
got myself an ok job, not a dream job,
but something to nourish finances from (outside of the raket)
naalala ko tuloy nuong asa pinas pa ko
pagpumapasok ang routa eh
tricycle
bus
tren (mrt)
jeep
travel time: one hour and a half
ngayon andito na sa canada
lakad
bus
tren (ttc)
lakad
travel time: one hour and a half
ganuon din
OT: Ano rin
Posted: August 27, 2007 Filed under: Letter, OT 2 CommentsI Second Emotion…! PART 2
I thought Jay’s ex-girlfriend was really out of our lives. But heaven only
goes that I was wrong. Kakakasal pa lang namin nun when Jay received a
uninamous text. “Meet me at the clinic.” I had a stinking feeling in my
butt. I told him not to go. It might in danger him. Pero sabi niya, ok lang
daw because life is what we make. Tumahimik lang ako. Sabi niya, “Penny for
you talks.” But I didn’t know what to say.
Beggars can’t be losers. Isa pa, worried talaga ako na baka yung girl yun.
Jay said, “Can’t got your tongue?” I tried to smile at him. Kahit di ako
nagsalita, actions speak louder than works, di ba?
Be that as is may, umalis pa rin siya. I was out of the loophole.
After a few hours, I called him on his cellphone. But my calls fell on
Jeff’s ears. Lalo akong nag-worry kasi I didn’t even know Jeff. Sabi na nga
ba di na dapat umalis si Jay. That’s what I’m talking about it.
So I tried calling some friends who will help me find Jay. That’s what
friends are for naman di ba? But I just faced a blank mall. I had to do this
alone. Nag-taxi na lang ako. Pero ang mahal na pala ng plug down rate.
When I got to the clinic, the security was really buffed up. Di basta-basta
makakapasok. So I said, “I beg your cordon. I’m patient.
It’s my favorite virtue nga e.” Nagduda yata yung isang guard.
Hinawakan ako sa arm. The nerd! I shouted, “Don’t touch me not!” Buti na
lang the other guards were nice and said, “Come on, let’s join us.”
When I went inside, parang I’ve been there, done there. Nung walang
nakatingin, nag-explore ako. Nakarating ako sa top floor and I had a bird’s
IQ of the clinic. I could not explain it but I was drawn to a room on the
floor. Siguro Divine Intermission na yun.
Parang may narinig akong umuungol. I was thorn. Di ko alam kung aalis ba ako
o papasukin ko. It made me stick in the stomach to think that Jay and his
ex-girlfriend were there. I tried to tell myself to slower my expectations.
But to tell with it! I had to strike while the iron is not. I had to hear
the truth from the corpse’s mouth. I barraged in. O my gas! Si Jay,
naka-strap sa operating table, parang genie pig sa isang nakakatakot na
experiment. He was on the cutting edge. He was bleeding. At ang doctor na
nagpapahirap sa kanya, ang ex-girlfriend niya at ang bago nitong boyfriend,
ang nurse na si Walter. Doon ko napatunayang blood is thicker than Walter.
Guess watch? Di ko alam kung paano ko nagawa pero I was able to search and
rescue Jay. Siguro adrenaline brush na yun.
Now, he’s recovering. Nag-sorry siya na hindi siya nakinig sa akin. I know
it’s a better pill to swallow your pride so it’s forgive and forget me not.
All swell that end swell. I know we should kiss and put on makeup.
Ang ex-girlfriend naman niya at si Walter, nakakulong na. Detention is
really better than cure. So the moral of the lesson is: if symptoms persist,
insult your doctor
Sale sa Square One
Posted: August 27, 2007 Filed under: sale, SM, Square one, t-shirt Leave a commentnagpunta kami sa square yesterday
ang square one kung titignan mo sa labas eh magkahalong
alabang town center at sm north
sa loob naman eh para kang asa glorietta dahil sa design at lighting
pero kung tatanuning mo ang mga pinoy dito eh para na rin syang megamol
kasi ang daming pinoy na palaboy laboy sa mall
pati karamihan ng mga nagtatrabaho duon eh pinoy
pati iyung mga maintenance ng mall eh pinoy din
tapos karamihan ng makikita mo eh isang grupo o isang pamilya
eh naintriga kami sa isang sale dahil 80% off iyung isang t-shirt
10 dollars na lang (sale na yan ah, sa tutubs eh marami rami ng mabibili sa 400)
nagpunta na ko sa counter para magbayad
clerknakamukhanimariahcarrey: there’s a last sale on this today
badong: oh really? when? (langya bababa pa ng 80%)
clerknakamukhanimariahcarrey: oh this shirt is on last sale
badong: wow, so how much would it cost now?
clerknakamukhanimariahcarrey: it’s last sale meaning you cannot return or exchange it after this
badong: aahh
First Mass
Posted: August 27, 2007 Filed under: amen, communion, mass Leave a commentmay nadiscover kaming simbahan dito na malapit sa pinaglipatan
halos parang mula pacific star hanggang mcdo lang ang layo
small church
nagpunta kaming magina duon sa chapel for our first mass
pagdating duon sa part na magsasabi na ng special wishes
bigla na lang nagsalita iyung first person duon sa front
sinabi out loud iyung special intentions nya
sumunod iyung katabi
pati iyung katabi
nahiya ako bigla dahil puros pang world peace ata iyung sa kanila eh pang sarili at pamilya lang ang sa akin
mabuti na lang eh nahinto sa panglimang tao
sa top 5 lang ata iyung public wish
pagdating naman sa communion eh bigla na akong tumayo
baka maunahan sa pila
sabay nuong halfway na ko sa pew eh narealize na ako lang nakatayo
yun pala eh per row ang pagpunta sa pila. nasanay kasi sa mga simbahan dyan sa pinas eh
nuong matapos iyung mass eh narealize kong may tatlong klase rin pala ng parokyano dito, hindi lang sa pinas
iyung umaalis sa communion
iyung umaalis pagkatapos ng huling “amen”
at iyung umaalis pagkatapos ng huling kanta
Latest Hirit